Pwede bang tumakas?

June 1, 2011

Crossroads – andito ako ngayon. Nasa punto ako ng buhay ko na kelangan kong gumawa ng maraming importanteng desisyon na makakaapekto ng malaki hindi lang sa buhay ko, kundi pati sa buhay ng maraming tao na nakapaligid at umaasa sakin. Pero ang masama, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at gawin. Nabibigatan ako sa kung ano man ‘tong nasa balikat ko ngayon. Aaminin ko na minsan, magsasawa na din ako sa dami ng responsibilidad. Minsan, tinatanong ko ang sarili ko kung bakit kelangang ako. At ang madalas kong naisasagot ay dahil sa gusto ko. Ako mismo ang dahilan kung bakit meron akong responsibilidad. Inako kong lahat ito. Kaya wala din akong pwede sisihin kung bakit ako nahihirapan ngayon. Kaya lang, gusto ko ring malaman na kung minsan ba, pwede na lang akong tumakas?

?

Advertisements