Isang nakakapagod pero exciting na weekend.

Nagsimula noong Friday when dinalaw ako ng baby ko sa bahay. Oh well, much of makikitulog siya sa bahay kasi magpapasama siya on her job application sa Fujitsu. Kaya ayun, imbes na nakanood ako ng DVD that night, kelangan ko manahimik at matulog na lang kasi hindi pwedeng maingay pag natutulog ang baby ko.

The next day, punta kami sa PSE Center sa Ortigas para sa exam ng baby ko. The building is just a block away my office kaya I’m hoping matanggap siya dun para lagi na kaming magkikita. Naghintay ako dun from 9AM hanggang halos 1PM at pinagtitripan na lang ang cellphone. Ganun pala feeling pag matagal kang nakatutok sa isang maliit na screen lang at walang ibang pinapansin. Paglabag ng baby ko from the exam, hindi ko siya nakilala kasi puro tumatalbog na bola o kaya green na dugo ang nakikita ko. Ahahaha… Anyway, after that ordeal, nilibre niya ako sa Megamall. We ate rice toppings na sobrang nakakabusog naman. Tapos we did what we normally do, nambalahura ng ibang tao na nakikita namin. Well, just talk nonsense about them and what they were doing. Tapos uwi na kami. Akala ko makakapahinga na ako kaso I have to wash my clothes. Pagod na ako pero kelangan kundi papasok akong nakahubad. Anyway, while washing clothes, nag-text ang baby ko. Sabi niya pinapabalik na siya sa Fujitsu for an interview, which is a very good news. Sabi ko sa kanya, “Sabi sa’yo, ako lucky charm mo.” At from then on, ako na daw ang spider-pig niya. Ahahaha…

Sunday, DVD marathon. At sa wakas natapos ko na panoorin ang season 1 ng Heroes. It was awesome. Medyo magulo lang at medyo mahirap sundan yung plot kasi andaming characters at andaming stories. Pero all in all, that is the type of shows na gusto ko kasi mag-iisip pa ako. Not like other shows, lalo na yung local, na ginagawang tanga yung mga audience. At least brain exercise. After the DVDs, I watched UAAP, last game ng UP for round 1. Tangina!!! TALO ULI!!!

Oh well, ayun ang aking weekend. Babush!

Advertisements

I feel like it. Senti mode…

Oo

Di mo lang alam naiisip kita
Baka sakali lang maisip mo ako
Di mo lang alam hanggang sa gabi
Inaasam makita kang muli

Nagtapos ang lahat sa di inaasahang
Panahon at ngayon ako’y iyong iniwan
luhaang sugatan di mapakinabangan
sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam
sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam

Ako’y iyong nasaktan
baka sakali lang maisip mo naman
Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon
Ako’y nandirito pa rin hanggang ngayon para sa’yo

Lumipas mga araw na ubod ng saya
Di pa rin nagbabago ang aking pag sinta
Kung ako’y nagkasala, patawad na sana
Puso kong pagal ng ngayon lang nagmahal

Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
Na baka sakali lang maisip mo namang
Puro s’ya na lang at sana’y ako naman!
Di mo lang alam ika’y minamasdan
Sana’y iyong mamalayang hindi mo lang pala alam

Di mo lang alam

Kahit na tayo’y magkaibigan lang
Bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan
Baka sakali lang maisip mo namang
Ako’y nandito lang hindi mo lang alam

Matalino ka naman

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo
Sa laro na ito ay dapat bang sumuko
Sana di ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako’y iyong masasaktan ng ganito
Sana’y nakinig na lang ako sa nanay ko

Di mo lang alam ako’y iyong nasaktan
Na baka sakali lang maisip mo namang
Puro s’ya nalang at sana ako naman
Di mo lang alam ika’y minamadsan
Sana’y iyong mamalayan hindi mo lang pala alam

Malas mo ikaw ang natipuhan ko

Di mo lang alam akoy iyong nasaktan

Lyrics from InMediaRes