Mamang Pulis, Bakit Ambobo Mo?
July 30, 2008
Tangina! Ang init-init na sa labas, nakakapang-init pa ng ulo yung mga taong makikita mo dun. Mga tanga’t gahamang mga driver, mga inutil na kapwa pedestrian, mga motoristang walang pakialam sa kapakanan ng iba. Pero wala nang mas bobo pa sa mga pulis at traffic enforcer na nasa kalsada, special mention dun sa mga tanga sa Ortigas. Hindi ko maintindihan na sa dinami-dami nilang mga pulis at traffic enforcer dito, masikip pa din ang mga kalsada sa Ortigas. Madami din ang hindi sumusunod sa batas trapiko kahit na andun na mismo ang mga dapat nagpapatupad nito. At ang nakakaasar pa, yung mga hindi naman nila dapat pinakikialaman eh yun pa yung pinupuntirya nila. Example, yung mga jeep na dumadaan dito sa Strata na dating naghihintay ng pasahero sa malapit sa One San Miguel, ngayon andun na sila sa tapat ng CHED kasi may epal na mga traffic enforcer dun na nagbabawal sa mga jeep na maghintay dun. Hindi ko naman maintindihan kung bakit magiging bawal dun kasi hindi naman nakakasagabal sa traffic yung mga kawawang jeep na yun. Ang layo pa tuloy ng nilalakad ng mga taong katulad ko na araw-araw sumasakay sa mga jeep na yun. Sige, sabihin na natin na bawal talaga dun. Eh bakit yung mga private na sasakyan na humahambalang dun, at sa kung saan-saan pang lugar dito sa Ortigas hindi pagbawalan ng mga bwakanang-inang mga yun. Double standard nga talaga siguro ang batas pagdating sa mga simpleng mamamayan at sa mga mayayaman. Putangina talaga! Nakakainis! Bakit may special treatment lagi ang mga mayayaman samantalang ang mga simpleng tao, laging kelangan magpasensya. Hindi ata tama yun. PWEH!!!