Peste!!! Chika Minute???
July 22, 2007
Nagtataka ako sa mga networks ngayon kung bakit lagi nilang sinasabi na sila ay may serbisyong totoo, chuve, ekek, blahblah, yadayada… Samantalang pag nanood ka naman ng kanilang mga news programs, puro walang kakwenta-kwentang chismisian at intrigahan about showbiz yung makikita. Tipong every gap, mayroon showbiz news about sa pagpunta ni Angel Locsin sa US, pag-pose ni Katrina Halili sa FHM, pag-aaway ni Annabelle Rama and the world, regalo ni James Yap kay Kris Aquino… asan yung tunay na balita na may pakialam ang mga taong bayan??? Tama nga talaga yung paniwalang wala talagang pakialam ang mga giant networks na ito sa gusto ng tao. As long as mayroon silang kitaing pera, ayus na sila kahit nagtuturo sila ng kabobohan at katangahan sa mga bata at lahat ng Pilipino…
Philippine TV, plain and simple, SUCKS!!! Pakabit na kayo ng cable…